Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2021-12-12
Words:
1,916
Chapters:
1/1
Kudos:
1
Bookmarks:
1
Hits:
193

Sesoo One Shot Au

Notes:

Dahil Sesoo day today, here’s a one shot au! First time ko makatapos ng au sa lahat ng wips ko T^T Anyway, happy Sesoo day, mahal na mahal ko kayong dalawa ♡ ♡ ♡

Work Text:

Sesoo One Shot

“Kyungsoo, bili ka muna nga ng papaya dyan kay Aling Marites.” Utos ng mama ni Kyungsoo sa kanya.

“Ma naman! Bat kayo nagluluto ng tanghalian?! Diba sabi ni Tita Vee, sa kanila tayo kakain mamaya.” May sigaw na sabi nito mula sa kanilang sala.

“Hay nako, Kyungsoo nakakahiya. Baekhyun, anak pakisamahan naman muna tong si Kyungsoo dyan lang sa labas.”

“Ma! Tsaka bakit Tinola na naman ulam. Kakaulam lang natin niyan nung isang araw!” Nakakunot-noo na sigaw nito.

“Hay nako, Kyungsoo. Tigil-tigilan mo ko dyan sa kakareklamo mo. Isa pa, paborito to ng Papa mo. Kaya bumili na kayo!”

“Paborito daw ni Papa, kung alam mo lang Ma sawang-sawa na si Papa dyan.” Bulong na lang nito sa sarili.

“Ano, may sinasabi ka ba?!” Sigaw ng mama nito.

“Opo, eto na nga po. Bibili na!” Padabog namang kinuha ni Kyungsoo ang wallet at hinila palabas si Baekhyun. Tawang-tawa na lang si Baekhyun sa nasasaksihan niya.

Sanay naman na si Baekhyun na makita ang mag-ina na magbangayan. Kadalasan kasi ay tuwing weekend ay sa kanila ito tumatambay at kung minsan ay si Kyungsoo naman ang pumupunta sa bahay nila Baekhyun kaya hindi rin bago sa kanya ito.

Kasalukuyan naman naglalakad sina Kyungsoo at Baekhyun para bumili ng papaya. Nang makarating kasi sila sa tindahan ni Aling Marites ay sarado ito at ngayon ay wala silang choice kung hindi maghanap sa iba. Kung wala kasi silang uwi ay tiyak na bubungangaan lang siya ng mama niya na bakit hindi sila naghanap sa iba. Sa lahat ng araw ba naman kasi ay bakit ngayon pa napili nitong magsara.

Init na init namang naglakad ang dalawa. Makalipas ang dalawangpung minuto ay nakahanap na rin sila ng paboritong papaya ng mama niya. Bumalik naman na kaagad ang dalawa matapos makabili. Ayaw na ayaw pa naman kasi ni Kyungsoo ang napagpapawisan lalo na’t naglalagkit siya rito. Kasalanan din naman kasi ng dalawa na makalimutan magdala ng payong.

~

Nagbibihis naman ng damit si Sehun nang marinig niyang tumunog ang kanyang cellphone.

“Hello, Yeol?” In-on namin ni Sehun ang loud speaker at sabay na sinuot ang polo shirt. Nang matapos ay saka nagsuklay ito ng buhok.

“Se, saan ka na?” Sabi naman ni Chanyeol sa kabilang linya.

“Papunta na dyan. Kasama mo na si Jongin?” Kinuha naman niya ang pabango at saka nagspray sa katawan.

“Oo, kanina pa. Bilisan mo na, susunduin mo pa kami. Baka malate pa tayo.”

“Eto na.” Kaagad naman binaba ni Sehun ang tawag. Nang macheck niya na kung wala na siyang naiwan, deretsong lumabas na ito ng condo.

Nang makababa sa parking lot ay sumakay ito kaagad sa sasakyan niya. Napag-usapan kasi ng magkakaibigan na isang sasakyan na lang ang gagamitin para sama-sama sila.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin ito sa condo kung saan nakatira si ang kaibigan. Tinawagan naman ni Sehun ito para bumaba at para makaalis na rin sila kaagad. Tiningnan naman ni Sehun ang orasan at nakita niyang pasado alas otso na rin. May dalawang oras pa sila sa oras na napag usapan.

Nang makasakay na ang dalawa ay kaagad na umalis ang mga ito. Si Chanyeol sa passenger seat at si Jongin sa backseat. Ang hinahangad na lang ng tatlo ay sana hindi sila matraffic sa daan. Kahit Linggo kasi ay hindi pa rin maiiwasan ang traffic.

“Yeol, nakuha niyo ba yung exact address?” Pagtatanong ni Sehun. Ang alam niya lang kasi ay ang lugar ng matanong niya nung huling Linggo ang Kuya Minseok niya.

“Tinawagan ko kahapon si Kuya Minseok, hindi naman daw malayo yun. Makalagpas ng tulay, kakanan daw tas deretso na.” Pagsabat naman ni Jongin. Tumango naman si Sehun nang marinig yun.

Makalipas ang isang oras at kalahati ay nakarating na rin sila sa kanilang destinasyon. Tinawagan naman ni Chanyeol ang Kuya Minseok nito para sabihing nasa labas na sila. Mga ilang sandali ay nakita naman nilang papalabas ang Kuya Minseok nila kaya kaagad naman silang lumabas at nilock ni Sehun ang sasakyan.

“Akala ko talaga di na kayo makakapunta. Magtatampo pa naman si Aubrey.” Bungad na sabi ng nakatatanda nilang Kuya sa barkada na si Minseok.

“Pwede ba naman yun, Kuya. Special day niyo tong tatlo.” Nakangiting sabi ni Jongin.

“Talaga lang ha. Ano tara na sa loob… Uy Se, buti nakarating ka.” Pagbibiro naman ni Minseok.

“Kuya naman, ako kaya ginawa nilang driver.” Matawa-tawang sabi nito. Tumawa na lang din ang apat na magkakaibigan. Sa katunayan ay dapat talaga ang sasakyan ni Chanyeol ang gagamitin nila kaso kasamang palad ay nasira ito dalawang araw bago ang araw na to. Si Jongin naman ay hindi rin pwede dahil hiniram ng nakatatandang ate nito at noon pa nagsabi. Kaya walang choice si Sehun kung hindi gamitin ang sa kanya.

Makalipas ang isang oras ay natapos din kaagad ang misa. Ngayon kasi ang araw ng binyag ng anak nila Minseok at Aubrey na si baby Daphne. At bilang magkakaibigan ay kinuha na ninong ni Minseok sila Sehun, Chanyeol, at Jongin. Dumeretso naman kaagad ang tatlo sa reception which is ang bahay ng napangasawa ng Kuya Minseok nila. Binalak sana nila na ganapin ito sa isang restaurant ngunit dahil kakaunti lang naman ang bisita na pwede ay minabuting sa bahay na lang. Hindi rin naman kalayuan ang reception mula sa simbahan kaya ilang minuto lang din ang tinagal nang makarating sila rito.

~

“Ma, kakatawag lang ni Tita Vee. Punta na raw tayo sa kanila.” Pagtawag ni Kyungsoo habang nakikipaglaro ng play station kay Baekhyun.

“Kayo na lang ni Baekhyun ang pumunta. Sayang tong niluto kong Tinola!” Sigaw ng mama niya mula sa kusina.

“Bakit pa kasi kayo nagluto, diba sabi nga nila dun tayo manananghalian. Ang kulit niyo kasi!” Sigaw naman ni Kyungsoo. Noong isang araw pa kasi sila inimbitahan ng kapitbahay nilang si Tita Vee na sa kanila na raw kumain ng araw na to.

“Hoy Kyungsoo Doh! Aba’t sinisigawan mo na ko ngayon ha! Hindi porket may trabaho ka na, pwede mo na kong sigawan kahit kailan mo gusto! Nanay mo pa rin ako.” Sigaw nito palabas ng kusina habang may hawak na sandok.

“Hindi po. Sabi ko nga kami na lang ni Baekhyun ang pupunta.“ Nakabusangot naman na sabi nito. “Baek, wait magpapalit lang ako damit. Nakakahiya naman na pumunta tayo dun ng nakaganito lang ako.”

“Hoy, OA mo Soo ah. Kakain lang naman tayo. Tsaka wala naman gaano tao dun for sure.”

“Che! Maliligo lang ako saglit. Wait mo ko dyan.” Kinuha naman kaagad ni Kyungsoo ang towel at kumaripas ng takbo papasok ng banyo.

Ilang minuto ay natapos din siyang maligo. Nagbihis na rin siya kaagad. Nagsuot lang siya ng isang tshirt na puti na may design na penguin at shorts. Regalo kasi ito ng tita na hindi niya pa nasusuot at dahil nasa abroad ito ay akala ay pa rin nito na isang siyang high school student. Baby face rin naman kasi si Kyungsoo at hindi mo aakalain na working adult na pala ito.

“Baek, tara na! Ma punta lang kami kay Tita Vee. Ubusin niyo yang Tinola ni papa ah!” Matawa-tawang sabi nito. Hindi rin napigilan at natawa na lang din si Baekhyun sa sinabi ng kanyang kaibigan.

“Loka-loka ka! Grabe ka talaga kay Tita.” Sabi ni Baekhyun habang nililigpit nito ang kalat nila.

“Hayaan mo siya. Tuwing pumupunta ka kasi samin laging Tinola ulam. Umay-umay na kami. Sinabi mo ba kay mama na paborito mo yun?” Pagbibiro nito.

“Hoy! Wala akong sinabi ah. Pati nga ako sawang-sawa na!” Humagalpak naman sa tawa ang dalawa.

Nang makalabas na ang dalawa ay patuloy naman sa pagkwekwentuhan ito. Hindi naman namalayan ng dalawa na may tumigil na sasakyan sa harapan nila at may lumabas na tatlong magkakaibigan.

“Kyungsoo, hello.”

Napatingin naman si Kyungsoo sa bumati sa kanya at di naman niya inaasahan na makikita niya ito matapos ang limang tao. Nanlaki naman kaagad ang mata niya nang makita ito.

“Putangina.” Sa isip-isip niya.

Nakita rin ni Kyungsoo na napatingin ang dalawa nitong kasama sa kanila ni Baekhyun nang nakangiti.

“Dito pala kayo nakatira?” Muling sabi ni Sehun.

“Uy Se, hello! Ah yep, dito kami nakatira.” Nahihiyang sabi nito.

“Lord, kilala niya pa pala ako. Send help naman, ang gwapo gwapo pa rin niya. May jowa na ba to? Kung wala pa Lord, mine na kaagad. Charot lang.”

“Kamusta ka na pala? It’s been five years nung huli nating kita.” Nakangiting sabi nito.

“Lord naman, kanina pa to nakangiti. Di pa ba nangangalay to?! Paano ba hindi kiligin sa harap nito, pagod na pagod na ko!”

“Oo nga no, ang tagal na rin. So far, okay naman. Surviving pa rin naman sa work. Ikaw kamusta?” Naramdaman ni Kyungsoo na kinurot siya ni Baekhyun sa tagiliran.

“Gwapo ah.” Rinig ni Kyungsoo na bulong ng kaibigan niya.

“Okay lang din, stress sa work pero kaya pa naman.”

“Lord, send help pls. Totoo nga ang sabi ni Jessa, parang di ko na yata kaya.”

“Uy Se, di mo ba kami ipapakilala sa kanila?” Pagsingit naman ni Chanyeol. “Hello, Chanyeol pala. Nice to meet you!” Sabay abot naman ng kamay nito. Napatingin naman sila Kyungsoo at Baekhyun sa kaibigan nitong nagsalita at kaagad na nakipagkamay.

“Uy hi sa inyo, Kim Jongin. Jongin na lang.” Ngumiti naman ito.

“Hi Chanyeol at Jongin. Kyungsoo pala, tas ito si Baekhyun, bestfriend ko.” Pagbati nito.

“Hi sa inyo. Baek na lang for short.” Bati naman ni Baekhyun.

“Pasensya ka na kay Chanyeol, Soo. Ganyan talaga minsan yan.”

“Gago, ano daw?! Soo?! Mama! Send help!” Nagpintig naman ang dalawang tenga ni Kyungsoo nang marinig yun.

“Uy, okay lang, ano ka ba. Hehe. Tsaka Soo?”

Nakita naman ni Baek kung pano namula ang pisngi ng kaibigan niya. Hindi rin naman nakatakas ito pati sa dalawang kaibigan ni Sehun.

“Haha ang cute mo pa rin. Ang cute rin ng suot mo ngayon, kamukha mo.” Nakangiting sabi nito. Narinig naman ni Kyungsoo na umirit ng mahina si Baekhyun sa sinabi nito. Nakita niya din kung paano ngumisi ang dalawang kaibigan ni Sehun sa tabi nito.

“Putangina naman! Mukha ba akong penguin?! At tsaka bakit naman ngayon pa?! Akala ko ba nakamove on na ako sa one sided crush na to! Hayop na Sehun Oh. Ikaw ata ikamamatay ko.”

Kaagad namang napatingin si Kyungsoo suot niya at biglang nakaramdam ng hiya. Ngumiti na lang ulit ito.

“Kung alam ko lang na pupunta ka, edi sana na nagcoat and tie na ako para deretso na tayong simabahan. Charot lang ulit.”

“Hehe sus, alam ko na yan. Maliit na bagay. Bakit crush mo na ko niyan?”

“Kyungsoo Do, saan ka ba humuhugot ng kakapalan ng mukha! Nakakahiya! Lord pwede bang ibalik mo na lang ako sa sinapupunan ni mama. Ayoko na sa earth, mama!”

“Kapag bang sinabi kong oo, anong gagawin mo?” Paghahamon nito.

Kung malaki na kanina ang mga mata ni Kyungsoo ay mas lalong nanlaki ito sa mga salitang narinig niya sa lalaki. Narinig din ni Kyungsoo kung paano napasinghap ang kaibigan sa tabi niya.

“Uy Se, joke lang naman. To naman di mabiro.” Medyo patawa na sabi ni Kyungsoo. Rinig na rinig naman niya ang bilis na tibok ng puso niya. Ramdam din niya ang paglamig at pagpawis nh mga kamay niya.

“Eh paano kung hindi to joke. Crush kita Kyungsoo Doh, dati pa hanggang ngayon. Icrucrush back mo na rin ba ako?” Deretsong sabi nito habang nakangiti.

“Putangina mo!” Yan na lang ang nasabi ni Kyungsoo at mabilis na naglakad papasok sa bahay nila.

Natawa na lang si Sehun nang marinig ang reaksyon ng binata.