Work Text:
“Nandito ka na” Sambit ng dalaga.
“Nahanap na rin kita…” tugon ng binata. Hindi pa rin makapaniwala si Klay sa kanyang nakikita. Tila ang katawan niya ay napako sa kanyang kinatatayuan. Pito. Ito ang bilang ng taong nangulila siya kay Fidel. Sa kahit anong panaginip, kahit gaano kadaming beses pa; hindi siya nagtangka umasa na magkikita pa silang muli. Ngunit heto siya, sa harap niya. Kapayapaan. Heto siguro ang pakiramdam ng totoong kapayapaan; ang makita ang taong pinakaaasam at pinakamamahal mo.
“Wala ng babu” Nawari ni Fidel na kailangan niya dugtungan ang bungad niya sa tinatangi. Bakas sa mukha ni Klay ang mga katanungan. Tulad ng dati, tila lumalangoy naman si Fidel sa mga mata ng dalaga. Mga matang hinahayag ang tunay na saloobin. Matapos ng tila napakahabang panahon, lumapit na si Fidel kay Klay at waring binuksan ang kanyang mga braso upang salubungin ang binibini. Agad namang tumugon si Klay at halos ay lumundag na sa binata.
“Napaka dami kong tanong… ikaw ba talaga yan? Sure ba di ka si Mr. Torres ah? Baka pinapaasa mo lang ako dahil alam mong namimiss ko na si Fidel” bagama’t dinadaan sa biro ni Klay ang kanyang mga salita, ramdam at kita ni Fidel ang totoong nais sabihin ng minamahal.
“Kahit gaano pa karami, binibining Klay ay aking tutugunan. We have all the time in this world.” Sambit ni Fidel. Nang nakita niyang nawala na ang pagaalinlangan sa mukha ni Klay ay hindi na siya nagpatumpik tumpik pa at agad ng inilapit ang mga labi sa mukha ni Klay. Sinalubong naman ito ng dalaga ng buong puso, tila ibinuhos sa halik lahat ng nararamdaman sa pitong taong pangungulila.
~~
“Bookkeeper? So literal na labas pasok ka sa libro as an alitaptap?”
Nakakunot ang noo ni Klay habang ibinubuod ang salaysay ng kanyang tangi. Matapos nila magkita ni Fidel sa kakahuyan ay agad tinapos ni Klay lahat ng kanyang responsibilidad sa Medical Mission upang makauwi kasama si Fidel. Tahimik ang binata sa buong byahe pauwi. Nagdahilan na lang si Klay na sinurpresa siya ng nobyo na ngayon lang nakauwi mula sa Europe. Weird, pero mukhang pinaniwalaan naman ng kanyang mga kasama. Ngayon ay narito sila sa studio unit ni Klay na kanyang inuupahan para mapalapit sa ospital. Habang palakad lakad si Klay sabay sa kanyang pagiisip ng dahilan paano niyang kaharap si Fidel ngayon, ay busy naman ang lalaki na maghain ng pagkain.
“Fidel! Focus! Ano ba yan nakuha mo pa talaga maghanap ng pinggan hindi mo pa tapos yung kwento mo” bigong salita ni Klay kay Fidel na abalang ilipat ang kadarating lang na food panda sa plato. Binitiwan ni Fidel ang mga plastik na hawak at humarap sa dalaga.
“Huminga ka muna kasi, mahal ko. Hindi ako mawawala kung yun ang iniisip mo…” hinawakan ni Fidel ang magkabilang balikat ni Klay ng mapansing lalo lamang napuno ng takot ang mukha nito.
“Sila Mr. Torres ay mga book traveler…” Sinimulang ihayag ni Fidel and mga pangyayari sa loob ng mga oras na wala sila sa piling ng isa’t isa.
~
“Sir, ang buong akala ko ay makakabalik na si Pido kapag natapos na ang kwento hanggang El Fili. Ano pong nangyari?” Tanong ni Elena kay Mr. Torres.
“Pinili ni Pido ang manatili sa loob ng libro upang ipagpatuloy ang mga nasimulan na nila ni Ms. Infantes” tugon ni Mr. Torres sa kanyang estudyante.
“Pero sir, bookkeeper din si Pido. Kahit ano pang pagkakamali niya, ay deserve niyang makabalik sa mundo natin. Deserve niyang maalala kung sino talaga siya.”
Huminga ng malalim si Mr. Torres. Siya ang pinakamatandang bookkeeper. Galing sa mundo ng mga space travelers, nawawari sila kasama ng mga time travelers. Heto ang pinagmulan ng buong pamilya ni Mr. Torres. Ngunit, hindi lahat ng paglalakbay ay ligtas. Sa isang book traveling mission naubos ang pamilya ni Jose Torres. Ang natira na lamang ay ang mag-pinsang mga apo nitong si Barry at Pido. Habang si Barry ay pinili limutin ang pagiging book traveler upang mabuhay ng matiwasay, ang nakababatang pinsan nito ay pinili bumalik sa aklat kung saan namatay ang kanyang mga magulang. Sa Noli Me Tangere. Dahil sa mga nilabag na batas ni Pido, siya ay napatawan ng kaparusahan… ang mawalan ng alaala bilang isang traveler at mabuhay sa libro bilang permanenteng karakter; si Fidel de los Reyes Y Maglipol.
Ilang beses sinubukan ni Jose sagipin ang kanyang apo mula sa mundo ng Noli. Dahil rito ay nakapagsanay na siya ng mga bagong book travelers. Isa dito si Elena. Ngunit, kahit anong gawin niya ay hindi siya makita ni Fidel. Hindi niya ito mapauwi. Tila ang puso nito ay nawalan ng laman at saysay… hanggang sa si Binibining Klay Infantes ay nakilala. Hindi sigurado ni Mr. Torres kung mababago niya ang pagiisip ni Klay nung una niya itong makilala at dahil dito hindi rin siya sigurado kung sasama ba ito sa grupo ng mga book traveler kung aayain niya. Ngunit, laking pasalamat niya nung si Klay ang naging dahilan upang magkaroon muli ng dahilan si Fidel upang umuwi sa mundo nila.
~
“Ang ibig mo sabihin, apo ka ni Mr. Torres as in yung prof ko? At di ka talaga taga San Diego pero taga real world ka? Na may traveling powers? Na… pinsan mo si Barry yung kamukha ni Ibarra pero di siya si Ibarra na reincarnation pero nasan si Mr. Torres? Pano ka nakabalik?”
“Klay, hinga. Isa-isa.”
“Fidel, hindi ko maintindihan.” Humawak si Klay sa kanyang ulo at napapikit. Masaya siyang kasama si Fidel ngayon pero parang napaka-labo ng mga narinig niya.
“Dahil sa paglabag ko sa mga boundaries ng space traveling, kinuha nila yung memories at means ko to travel. Dahil dun, na-stuck ako sa Noli as Fidel. Doon mo ako inabot. Lolo previously thought to recruit you as a book traveler; he uses Noli to train new recruits as a way to check on me. Pero nung nakita niya na iba ang naging effect mo sakin, nakakita siya ng possibility to save me. So Klay, ikaw ang nagsave sa akin. Both in the story and in the realm of space travel.”
“Bakit mo ako ineenglish. Hindi ako sanay.”
Tumawa na lang si Fidel sa sagot ni Klay. Oh to be near her again, iba talaga ang effect ni Klay sakanya. Naturuan ang puso niya magmahal muli, natutong tanggapin ang mga hindi na mababago, at nabago ang buong pagkatao ng binata.
“Eh kung hindi ka niya masave dati, panong andito ka? Tsaka bakit ka naman nagantay ng 7 years kung nakalabas ka naman na pala sa real world…” sumimangot si Klay sa idea na ngayon lang siya pinuntahan ni Fidel habang siya nababaliw na kakaisip sa binata.
“Bumalik si lolo pagtapos mo umalis. Para sunduin ako.”
“Don Fidel de los Reyes y Maglipol. Maligayang pagtatapos, apo.”
“Ginoong Torres? Hindi ba ikaw yung kasama ni binibining Klay?”
“Oo, ako nga. Tapos na ang oras mo dito sa San Diego Pido. Husto na ang kabayaran at maari ka na umuwi.”
“Patawad ngunit hindi ko mawari ang iyong sinasabi, ginoo.”
“Sumama ka sa akin, at mabibigyan linaw ang lahat.” Binuksan ni Prof. Torres ang kanyang orasan at agad lumabas ang iba’t ibang ilaw na kulay lila. Ang portal. Hindi mawari ni Fidel ang batid ng matanda ngunit iba ang pakiramdam niya sa taong ito. Walang masama kung susubukan ko tumawid sa portal, isip ni Fidel sa kanyang sarili at lumakad sa direksyon ng portal.
“You mean pag labas mo sa portal naalala mo lang na traveler ka?” Sa puntong ito, nakaupo na ang magnobyo sa sofa, ang ulo ni Klay nakasandal sa balikat ng binata habang ang mga braso naman nito ay nakapulupot sa dalaga.
“Parang ganon. Paglabas ko, nagising ako at ramdam kong napakahabang panahon akong nawala. Alam ko sa sarili kong both in the real world and book realm, mahabang panahon ang lumipas.” Mahinahon ang sagot ni Fidel, habang nilalaro ang buhok ng kanyang pinaka mamahal. O, kay sarap ng ganito. Kung pwede lang i-freeze ang oras na ito, tiyak gagawin ito ni Fidel.
“Pero gaano nga ba kahabang panahon ang lumipas?” Tanong ni Klay. Sa totoo lang, matagal ng give-up si Klay isipin ang logic behind sa nangyari sa kanya sa mundo ng Noli at El Fili. Sapat na sakanyang natuto siya at alam niyang totoo ito. Ngayong andito na rin si Fidel sa kanyang tabi at nangakong hindi na sila maghihiwalay, wala ng pangamba sa puso ni Klay.
“Hindi siya consistent. Tulad na nung pumasok ka sa Noli at ilang oras ka lang nawala… samantalang bumalik ka after 3 days tapos 13 years na nakalipas. It depends on the clock you travel on.”
“Hmm. So nakalabas ka sa El Fili days after ko pero 7 years na sa real world?”
“Nakabalik ako 5 years ago. Real world time. If you must know, I’m 7 years older than you… real world time. Pero wag mo na muna isipin yun Klay. Ang mahalaga andito tayong dalawa.”
“At hindi na tayo maghihiwalay, Fidel. Hindi na tayo maghihiwalay mi amor.”
“Mi amor. Gusto ko yan.” Mukhang iyon na ang callsign nila Fidel at Klay.
