Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandoms:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2024-04-10
Updated:
2024-04-10
Words:
3,923
Chapters:
1/?
Comments:
1
Kudos:
5
Bookmarks:
1
Hits:
71

Pag-ikot

Summary:

He’s trembling, may bara rin sa kanyang lalamunan, ang mga kamay ay nakatakip sa bibig, pigil ang emosyong gustong lumabas, isa lamang ang sigurado,sobrang sakit, masakit marinig ang mga ganoong bagay mula sa mga taong kanyang pinapahalagahan. Hindi niya sinadyang marinig ang kanilang usapan, sana hindi na lamang talaga sya dumating. Hindi naman kasi talaga sya inaasahan nga mga ito, may mga nakapagturo lamang sa kanya na nandoon ang mga kaibigan. Excited syang pumunta dahil ilang linggo na rin silang hindi nagkakasama dahil sa magkakaibang schedule at ibang program. Hindi nya lamang inaasahan na sya pala ang topic ng mga ito

Notes:

work of fiction
just making may yanghyuck agenda happen

Chapter Text

 

 

 

He’s trembling, may bara rin sa kanyang lalamunan, ang mga kamay ay nakatakip sa bibig, pigil ang emosyong gustong lumabas, isa lamang ang sigurado,sobrang sakit, masakit marinig ang mga ganoong bagay mula sa mga taong kanyang pinapahalagahan. Hindi niya sinadyang marinig ang kanilang usapan, sana hindi na lamang talaga sya dumating. Hindi naman kasi talaga sya inaasahan nga mga ito, may mga nakapagturo lamang sa kanya na nandoon ang mga kaibigan. Excited syang pumunta dahil ilang linggo na rin silang hindi nagkakasama dahil sa magkakaibang schedule at ibang program. Hindi nya lamang inaasahan na sya pala ang topic ng mga ito.

“Napaka clingy ni Hyuck lately.”

“Sumasabay pa siya sa dami ng requirements, pagod ako sa practice kaya gusto ko na lang magpahinga pag –uwi sa bahay , ang kaso napakakulit nya sa bahay.”

“Lagi siyang nagyaya kumain sa labas, hindi nya kayang mag-isa, hindi ko alam kung anong kinatatakot nya.”

“Parang takot siya sa mga tao, I think di na healthy na tayo lang ang nakakasama nya.”

“sinabihan ko na rin siya na makipag-kaibigan sa iba, pero hindi nya raw kailangan ng ibang tao, tayo lang sapat na, paano naman ang mga oras natin sa sarili na gusto natin magpag-isa?”

“Mahilig syang magluto at magpatikim ng mga pagkain, paano naman ang diet ko?”

“Kung ayaw mong kumain ako na lang,”

“Lagi niyang iniinsist ng movie nights every Friday, paano kung gusto natin lumabas?”

Inisip niyang lumabas sa pinagtataguan, gulatin sila at itawa ang mga bagay na narinig , pero nanginginig ang kanyang kamay, mabigat ang kanyang dibdib at nag-aalala sya na imbes na tawa ay pag-iyak ang kanyang magawa.

Hindi naman ito bago, naramdaman nya muna ang pagbabago ng mga kaibigan bago dumating sa punto na narinig nya na mula sa kanilang mga bibig.  Hindi matandaan ni Donghyuck kung kailan unang nagsimula ang ganitong pakiramdam, yung feeling na hindi ka na mahalaga, hindi ka na kailangan. Ginawa naman nya ang lahat, naging  mabuti siyang kaibigan, maalahanin, maalaga, mapagmahal pero bakit parang hindi iyong sapat? Bakit parang hindi siya kailangan?

Gusto nya ang pakiramdam na kailangann, gusto nyang tumulong, gusto niyang tinatawag ang pangalan nya, at higit sa lahat gusto nyang tumutunog ang notification ng kanyang cellphone lalo na kung may lakad silang pito, ibig sabihin noon ay mag bobonding sila, kwentuhan na walang katapusan. Sa mga kaibigan lang naman umiikot ang mundo ni Donghyuk, kay Mark na hyung ng grupo, ang poste ng kailang samahan,  kay Jaemin at Jeno na madalas nyang kalaro sa mga online games,  kay Renjun na madalas nyang nakakausap sa mga seryosong bagay, kay Jisung at Chenle na madalas nyang kakulitan. Naniniwala sya na hindi nya kailangan ng maraming kaibigan, silang anim lamang ay sapat na.

Hindi pala madalas totoo ang kasabihan na iyon.

Dapat pala, lumalabas ka pa rin sa comfort zone mo. Dahil kapag hindi ka na nakakaramdam ng comfort saan ka pupulutin? Uulanin ka ng mga tanong na walang ibang makakakagbigay sa’yo ng sagot kung hindi ikaw. Mauuwi ka sa paggkwestyon sa sarili mo kung saan ka nagkamali? Saan ka ba nagkulang?

 

“I think you need new friends kasi nkakagago diba?” Nagulat sya at napatingin sa nagsalita, lumapit ito at naupo sa kanyang tabi. Pamilyar ang histura nito, pero hindi nya alam ang pangalan.

“Sorry dahil di ko sinasadyang marinig ang usapan nila, pero hindi ako manghihingi ng sorry dahil ang gago lang ng dahilan nila.”

“Salamat.” Iyon ang unang salita na nabigkas ni Donghyuck, kahit hindi siya nito kilala, kahit pawang katotohanan ang sinabi ng mga kaibigan, nagawa ng mga salita nito na kahit paano pagaain ang kanyang pakiramdam.

 

“Yangyang nga pala.” Inilahad nito ang kamay.

“Donghyuck.” Pakilala nya, kinuha ang nakalahad nitong kamay.

“I know.” Bakas sa kanyang mukha ang pagtataka kaya naman mabilis itong nagpaliwanag. “ Magkakalase tayo sa dalawang subject, katatapos lang ng isa , nagkataon papunta tayo sa isang direksyon kaya magkasunod tayong nagalalakad.

“Ganoon ba, sorry di ko alam.”

“It’s all right.” Sagot nito na may malawak na ngiti.

“Let’s go! I think deserve nating kumain ng masarap today.” Nag-aalangan man , dahil minsan na siyang pinahamak ng ganitong paanyaya pero gusto sumubok ni Donghyuck muli, marahil may point nga si Yangyang, baka kailangan nya ng bagong kaibigan at dito sya mag-uumpisa.

Nagkasundo sila na mag hot pot, ang tagal na rin simula nang huli, paborito nila itong pito kaya naman nakilala sya ng may-ari, nagtataka at iba ang kanyang kasama. Hindi na nito napigilan na tanungin ang kanyang mga kaibigan.

“Busy pero sila Renjun.” Sagot nya na lamang. “Kasama ko po ngayon si Yangyang,” turo nya sa kaklase na may napakalawak na ngiti na mukhang hindi napupunit. “Kaibigan ko rin po.” Kusa naman yun lumabas sa kanyang bibig, natuwa naman sya nang mapansin na may ilalawak pa pala ang ngiti ni Yangyang.

“Hello po! Amoy pa lang po ang sarap na sa restaurant ninyo, mukhang mapapadalas na ako dito.” Sagot naman ng binata na nagpa unlak lalo sa may-ari.

 

Madaldal at masaya kasama si Yangyang, maraming kwento at magaling rin makinig, kaya naman nakita nya ang sarili na nagkukwento rin dito ng mga pinagkaka abalahan.

“Oh, may nagmessage na sa akin, naghahanap kasi ako ng room mate masyado kasing malaki ang unit ko at nakakalungkot mag-isa, kakagraduate lang ng old room mate ko.”

Napahinto si Donghyuck sa narinig sa kasama, ito na siguro ang sign para lumipat, nakakahiya na isiksik ang kanyang sarili sa unit nina Mark at Jeno.

“Naghahanap rin ako, pwede ko makita?” Nanlaki ang mata ni Yangyang at agad pumayag sa kanya kaya naman pagkatapos kumain ay agad silang umuwi sa bahay nito.

Mas malaki ito ng kaunti sa unit na tinutuluyan nila, malinis, medyo malaki ang balcony at maayos ang kitchen, doon talaga sya napabilib, hindi naman sya siguro babawalan na magluto nito, napansin naman ni Yangyang ang paglaki ng kanyang mata pagkakita sa kusina.

“Mahilig kasi magluto si kuya Kun  kaya nag invest siya dito sa kusina.”  Habang binubuksan nito ang mga cabinet na maraming mga kagamitan, may nakita syang mga pang bake.  Mukhang binibigyan siya nito ng pahintulot na pwedeng pwede nya iyong gamitin.

“Kailangan ako pwedeng lumipat?” Excited na baling nya kay Yangyang.

“Ora mismo! Okay nga lang rin sa akin na dito ka na matulog eh.”  Medyo nagulat lang din si Yangyang sa sinabi, o dahil nabakasan nito na medyo  natigilan sya sa alok. Medyo natigilan ang binatang kaharap kaya naman napabawi si Yangyang para makapagpaliwanag.

“I mean no harm Donghyuck, promise mabait ako at di ako kriminal or serial killer, naisip ko lang na baka hindi ka ready na makaharap sila?” paliwanag ni Yangyang.

Nakalimutan niya.

“Pwede ba? I mean pwede ba akong mag stay dito tonight?” malawak na ngiti ang sinukli sa kanya ni Yangyang, excited siyang hinila ito sa kanyang magiging kwarto, kumpleto na halos gamit doon, may mga kumot at unan na rin.

“Iniwan ni Kun hyung ang mga iba niyang gamit, don’t worry malinis at maingat syang tao, wala syang galis  o burog.” Natawa naman sya sa sinabi nito, nagpaalam ito sandali, sya naman nilapag ang bag sa mesa saka umupo sa kama. Malambot ito at malaki , di hamak na mas komportable sa comforter na ginagamit niya sa kwarto nila ni Mark. Pang dalawahan lamang talaga iyon kaso siningit niya ang kanyang sarili, iyon siguro ang dahilan kung bakit napagod ang mga kaibigan sa kanya. Buong akala nya na porke’t komportable sya sa isang tao ay komportable na rin ito sa kanya, hindi pala, darating ang panahon na mapapagod at mananawa. Masakit pero iyon ang katotohanan na kailangan nyang tanggapin.

Kung hindi siguro dumating si Yangyang ngayong araw, malamang nagmukmok sya sa kung saan, pero dahil may isang anghel na malawak ang ngiti na pinadala sa kanya ngayong araw, naiibsan ang kanyang kalungkutan at napapalitan ng pananabik.

Tama nga siguro ang anim, kailangan nya ng bagong kaibigan , kailangan nya ng bagong mundo. Nakakalungkot lang na may ganoon na pala silang hinanaing sa kanya pero wala ni isa ang kumausap sa kanya, kailangan nya pang marinig ang kanilang sikretong usapan.

 

Marahang kumatok sa pinto si Yangyang, pagpasok nito ay may dalang damit.

“You can change to this, para maging komprotable ang pagtulog mo.” Kinuha nya iyon at nagpasalamat. Sa laki ng kanyang magiging kwarto ay mayroon siyang sariling banyo, wala na talaga syang mahihiling pa.

“Magpapalit lang rin ako , kapag may kailangan ka, kumatok ka lang sa pinto.”  Tango ang naging sagot nya dito, umalis na ito kaya naman nakapag-ayos na rin sya ng kanyang sarili. Habang nagpapatuyo ng buhok ay kinuha nya ang kanyang cellphone na nasa bag. Alas nuebe na ng gabi, mayroon syang dalawang mensahe, isa galing sa kanyang mama, the usual na pangungumusta nito sa kanya, nagreply naman sya dito agad. Ang isa naman ay galing sa kanyang bunsong kapatid, tinatanong kung kailan sya uuwi dahil na mimiss na raw sya nito. Nakangiti siya habang nirereplyan ang kanyang kapatid, iba pa rin talaga kapag pamilya.

Pa lowbat na ang kanyang cellphone kaya naman bilang respeto pa rin sa mga kasama sa bahay ay nag message sya kay Mark  na hindi siya uuwi ngayong gabi, iyon lamang ang kanyang tinayp saka muling binaba ang cellphone sa mesa.

Narinig nya sa labas ang tunog ng kabubukas na telebisyon  kaya naman lumabas sya para samahan si Yangyang sa kung ano mang balak nitong panoorin. Bonding na rin ito sa kanyang future roommate.

 

Pasado alas onse na ng magdesisyon silang matulog, mabuti at alas diyes pa ang kanyang klase bukas, may time pa sya para umuwi ng bahay para magpalit, or pwede naman na manghiram sya kay Yangyang?

Nagising siya kinabuksan sa pagbagsak ng kaserola sa kusina, langhap nya rin ang amoy ng bacon, naghahanda ng breakfast si Yangyang, kinapa nya ang kanyang cellphone sa sidetable, tuluyan nang namatay ito kaya naman hindi nya alam kung anong oras na, pero sa tantya nya ay wala pa namang alas diyes, dahil kung meron na ay baka ginising na siya ni Yangyang.

Nagdesisyon siyang bumangon na at pumunta na rin sa kusina.

“Good morning!” Bati naya kay Yangyang.

“Good morning! Sorry nagising kita sa kalabog. I’m not usually this clumsy.” Sabi nito na medyo nahihiya, nginitian nya naman ito.

“It’s all right, buti nga at sadyang napasarap ang tulog ko. Anong oras na? Namatay kasi ang phone ko.” Ang sarap kasi ng pakiramdam ng bagong kama, hindi man lang sya nagising sa gitna nang gabi, diretso ang kanyang tulog.

“Alas otso pa lang, we still have time. Let’s eat!”  Yaya ni Yangyang sa kanya, nahihiya man ay naupo siya sa tapat nito.

“Salamat sa breakfast.”

“No problem, minsan lang ako sipagin pero di ako magaling magluto, pero sana magustuhan mo pa rin iyan.” Natatawa man dahil puro fried lang naman ang nasa mesa, fried egg, bacon at hotdog, pero natutuwa sya sa hospitality ni Yangyang.

“Pwede makahiram ng charger? Dead bat ang cellphone ko.”

“Sure.” Mabilis itong tumayo at pumasok sa kwarto, pagbalik ay inabot agad sa kanya ang hinihiram, sinaksak muna ni Donghyuck ang kanyang cellphone bago bumalik sa hapag para ituloy ang pagkain.

“Sorry pero, pwede ba akong manghiram ng damit? Kung uuwi pa kasi ako ng unit, baka magahol ako sa oras sa first subject ko.”

“No problem.” Wika ni Yangyang na sumusubo na rin.  They went on with their conversation, narealize nila na marami pala silang hobby parehas.

 

Pagbukas ni Donghyuck ng cellphone ay nakita nya ang ok  reply ni Mark, it was send  at 11pm.  Kinuha na niya ang number ni Yangyang kaya naman tinext nya ito na uuwi na siya ng kanyang unit para umpisahan na ang paghahakot ng kanyang gamit. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman kapag nakaharap ang mga kaibigan pero ayaw nya ng komprontasyon, baka may masabi syang mga bagay na pagsisihan niya lamang din sa huli.  Pagbukas ng pinto ay nadatnan niya si Jeno sa living room, nakaharap sa laptop habang nagkalat ang mga libro at notes sa mesa. Tumingala ito at nagkatinginan sila,  naalala niya ang sinabi nito.

“Sumasabay pa siya sa dami ng requirements, pagod ako sa practice kaya gusto ko na lang magpahinga pag –uwi sa bahay , ang kaso napakakulit nya sa bahay.”

Tinanguan nya ito saka nag-iwas ng tingin bago nagtuloy sa kanilang kwarto ni Mark. Inikot nya ang paningin sa silid, napakisikip nito para sa dalawa, tama lamang talaga para sa isang tao. Kinuha nya ang dalawang malaking maleta sa gilid, saka nag umpisang ilabas ang mga damit sa shared closet nila ni Mark, mabuti talaga at hindi ganoon karami ang kanilang gamit, kasya na ito sa isang malaking maleta. Sa isa naman ay balak niyang ilagay ang mga libro at iba pang gamit. Nasa kalagitnan sya ng pageempake ng kumatok si Jeno, binuksan nito ang pinto habang nagsasalita.

“Hyuck, magluluto ka ba or order na lang tayo ng di-?” Napahinto ito nang sasabihin nang makita ang kanyang ginagawa. “Anong ginagawa mo?” Nagtataka nitong tanong, tuluyan na itong pumasok at nakatayo sa kanyang harapan.

“Nakahanap na ako ng lilipatan.” Matipid niyang sagot dito habang hindi tumitigil sa ginagawa.

“Wala ka namang balak lumipat diba?”

“Meron, di ko ba nasabi?” Pagsisinungaling habang lumingon dito sandali.” Hindi naman balak habang buhay nakasingit dito sa kwarto ni Mark hyung.” Sinabi niya iyon , as normal as possible. Hindi nya na muling nilingon si Jeno, abala sya pagkasyahin ang mga gamit sa kanyang dalawang maleta. Ang mga sobra siguro sa mga malalaking ecobag na tinabi nya na nasa kusina.

Muling nagsalita si Jeno kaya doon nya narealize na hindi pa pala ito lumalabas.

“Okay, So order na lang tayo? Chicken sa paborito natin ?”  Muling alok nito, sila lang ni Mark ang may paborito doon, pero dahil gusto iyon ng dalawa lagi orderin at wala syang choice, inisip na rin ng mga ito na paborito nya rin iyon. Mas gusto nya yung Chicken stall na katapat noon.

“Busog pa ako, kakain ko lang, salamat.” Sagot nya, tumayo sya para pumunta sa banyo, kukunin niya ang kanyang mga essentials, nakatayo pa rin si Jeno sa loob ng kanyang kwarto pagkalabas nya galing sa banyo, nakatingin sa kanyang mga gamit na nasa lapag, sinusundan ng ng mga mata nito ang kanyang ginagawa.

 

“Hindi ba may tinatapos ka? Hindi matatapos ang requirements mo kung nakatayo ka dito.”  Hindi niya ito diretsong mataboy, hindi niya rin masabi na gusto niyang mapag-isa, pero effective naman iyon na mapalabas ang binata.

“Ah, right.” Kung ano man ang tanong nito na naglalaro sa isip nito ay hindi nito nasabi.

Matapos mag impake ay nilagay nya labas ang kanyang mga malate at dalawang bag, susunduin siya ni Yangyang ngayong gabi. May sasakyan naman  ito kaya hindi nila kailangan na mag book ng driver, nang sinabi niya na magdadalawang akyat sila ay hindi daw , dahil magsasama ito ng isang kaibigan, si Xiaojun, pamilyar dahil naging kaklase nya rin ito last sem. Magaling kasi iyong kumanta at mabait kaya namn tumatak sa kanya.

“Ngayon kana lilipat?” takang tanong ni Jeno nang maihelera nya ang kanyang gamit malapit sa pinto. Para hindi na mahirap ilabas galing sa kwarto, nakakahiya naman na papasukin si Yangyang sa kwarto ni Mark.

“Oo. Pumirma na ako ng contract kahapon.” Sagot nya kahit wala naman syang pinirmahan na contract. For the effect ba. Nagpunta sya sa kusina, kailangan nya rin pala dalhin ang kanyang sariling tasa, plato at mga utensils, pati mga baking materials na binili nya, kahit meron naman sa kaniyang bagong unit. Hindi naman ito magagamit ng dalawa dito kaya useless kung iiwan nya pa, pwede naman nya ito iuwi sa bahay ng parents nya.

Nagulat siya dahil nakatayo na naman si Jeno at nakamasid sa kanyang ginagawa, coming from someone na maraming requirements na balak tapusin, ilang minuto na rin  nitong sinasayang ang oras sa kanya.

“Hindi mo na hihintayin si Mark hyung? May meeting lang sya with his groupmates , ma-lalate lang sya ng kaunti ng  uwi.”

Malalate ng kaunti para kay Jeno ay 2 to 3 hours, kaya kapag dinner time hindi na nila hinihintay si Mark. Napatingin si Donghyuck sa balcony, muntik niya nga makalimutan ang kanyang halaman, kaya naman binalewala nya ang tanong ni Jeno para kunin ang money tree. Pinagtawanan pa nga siya ng dalawa ng minsan dalhin nya ito pauwi.

“Hyuck.” Muling tawag ni Jeno sa kanya, kaya lamang bago masagot kung bakit ay siyang pag ring ng doorbell.

“Excuse me, nandyan na ang room mate ko.” Pagbukas ng pinto ay nakangising Yangyang nga ang bumungad sa kanya,  nakasunod sa likod nito si Xiaojun , pinapasok niya ang mga ito para ipakilala kay Jeno.

“Yangyang , Xiaojun ,this is Jeno, Jeno si Yangyang siya ang room mate ko sa lilipatan ko and Xiaojun.” Naunang nakipagkamay si Xiaojun , sumunod naman si Yangyang, ramdam nya ang tensyon ni Yangyang kaya naman tinawag nya na ito, mahirap na baka may masabi pa ito. Gusto nya lang maging peaceful ang kanyang paglilipat bahay.

“Let’s go, ito lang naman ang gamit ko.” Turo nya sa mga nakahilera sa sala.

“All right.” Kinuha ni Yangyang ang isang maleta, ang isang bag ay pinatong sa ibabaw ng isa, si Xiaojun naman sa isang maleta at bag na pinatong rin sa ibabaw. Ang ibang gamit ay bibitbitin nya naman.

“Ako na dito.” Hila niya sa isa, pero bago pa man mabigay ni Yangyang ay may isang kamay na umagaw noon.

“Hatid ko na kayo Hyuck.” presinta ni Jeno.

“Salamat, pero kaya na namin ito.”  Nag-aalangan pa siyang ibigay pero mapilit si Jeno kaya naman wala na siyang nagawa.

“I insist.” Wala na siyang nagawa kung hindi ibigay sa dating room mate ang gamit, tahimik lamang sila sa elevator. Alam nyang madaldal si Xiaojun pero nakakapagtataka ang pagiging tahimik nito. Marahil ay may nasabi na si Yangyang dito. Sa tapat lang mismo nakarada ang fortuner ni Yangyang.  Pagkakarga sa kanyang mga maleta ay nauna na ang dalawa sa loob sya naman ay naiwan sa likod kasama ni Jeno na mukhang hindi pa rin makapaniwala sa bilis ng pangyayari. Kanina pa rin di pinapansin ni Donghyuck ang pagtunog ng kanyang cellphone.

“Thank’s Jen, I’ll go na.” Tatalikod na sana sya nang magsalita ito.

“Why do I feel like, sobrang bilis nang pangyayari?” Nalilito na ito talaga. Biglaan naman talaga but Donghyuck’s pride will not let him knew that.

“Sabihin na natin na gusto kong umalis sa comfort zone ko. You guys are my comfort zone, at hindi ako mag- gogrow kapag nandito ako.” Nakakunot noo pa rin ito sa kanyang sagot.

“I still don’t understand. You can still grow with us, hindi ka naman namin pinipigilan.”

Donghyuck wanted to scoff, sabay tanong nang Talaga ba? Gusto nyang isumbat ang mga bagay na narinig kahapon. Gustong mamutla ang kulay nito at ipahiya.

Pero hindi sya pinalaking ganoon ka evil ng kanyang mga magulang.

“Salamat pa rin sa lahat.” Tumalikod na siya dito para sumakay sa backseat, pero bago tuluyang maisara ang pinto ay may pahabol pa ito.

“ You’re not running away or are you?”

Huminga sya ng malalim bago ngumiti dito.

“I’ll see you around Jeno.” Bumitiw na rin ito sa wakas kaya naisara nya na ang pinto, tahimil lamang ang dalawa na nasa harapan, inistart na ni Yangyang ang sasakyan at nagdrive na rin paalis, nandoon pa rin si Jeno nakatayo kung saan nila iniwan ito. Nagpapasalamat siya dahil binigyan sya ng katahimikan ng dalawa, hindi ito nagtanong or kung anuman. Hindi niya namalayan na nasa tapat na sila ng building ng kanyang bagong bahay.

“Let’s go roommate! Ibaba na natin ang mga gamit mo.” Excited na baling ni Yangyang sa kanya, siya naman ay nahawa sa mga ngiti nito. Ito na ang kanyang bagong simula. Gaya nga ng kanyang pagkakakilala kay Xiaojun, nag-umpisa na ang kadaldalan nito. Napakakalog at di nahihiyang umakbay agad sa kanya.

“Naks may bago na kong bestfriend!” sabay kabig nito sa kanya.

“Teka teka!” saway naman ni Yangyang na hinila sya sa braso. “Roommate ko ito kaya technically ako ang kanyang bestfriend.”  Sagot naman ni Yangyang na ayaw magpatalo, hindi tumigil ang dalawa hanggang sa elevator  hanggang sa pagpasok sa kanilang unit.

Pagbukas naman ay may biglang pagsabog ng confetti at may pa banner pa. Nakatayo rin doon ang isa pang kaibigan ng dalawa na si Hendery. Nakagame nya ito paminsan minsan kaya naman pamilyar sya dito, hindi nya lang alam na kaibigan rin pala ito nina Yangyang at Xiaojun.

“Welcome bahay ni kuya! Surprise.” Seryosong sabi nito. Nagpasalamat siya sa tatlo dahil pinasaya sya ng mga ito, ramdam na ramdam nya ang pagwelcome ng mga ito sa kanya.

Sabi nga, you lose some, you gain some. Kaya mula ngayon di na siya matatakot malawan, kasi alam nyang meron iyong kapalit.

“Tara let’s lamon! I’m so gutom waiting for all of you!” Sabi ni Hendery na tinuturo ang mga pagkain sa mesa.

“Makapagreklamo ka, inorder mo lang naman ito.” Si Xiaojun.

“Exactly, kaya nga sabi ko I’m tired waiting, di ko naman sinabi na I’m tired cooking.” Pagpapaliwanag nito.

“Oops, tama na yan lovers, kain na!” saway naman ni Yangyang sa dalawa na tumigil na rin. “ Masanay ka na dyan sa dalawa, minsan nagbabardagulan yan, minsan naman naglalambingan, no in between.” Bulong ni Yangyang sa kanya, at tama nga kasi ngayon nagsusubuan na ang dalawa.

“Later, tulungan ka namin mag-ayos ng gamit mo.” Volunter ni Xiaojun.

“Kaya ko na iyon, konti lang naman.”

“We know, but we want to help. Bonding time na rin natin.” Si Hendery.

“Baka ma -late kayo sa pag-uwi.” Nagtataka sya dahil tawa nang tawa ang tatlo,  naawa naman ang mga ito kaya naman sinagot na siya ni Yangyang.

“Don’t worry, okay na okay lang silang ma late sa pag-uwi.” Sinabayan ng gesture ni Yangyang na pagturo sa taas. “Two floors up lang ang unit nilang dalawa.”

“Really? Dito rin kayo nakatira?” Gulat nyang sabi.

“Yup, so mananawa kayo sa pagmumukha namin dalawa or kayo sa unit namin. Mahilig at masarap magluto si Xiaojun.”

Nakakatuwa na may things in common sila ng mga bagong kaibigan, hindi nya namalayan ang oras at ang kanilang sarap ng kwentuhan.

Almost midnight na nang matapos sya sa pag-aayos ng kanyang mga gamit. Saka nya lang naalala na hindi nya pa pala nasabi sa parents nya na lumipat siya ng bahay, his mother will ask why at alam nyang hindi siya makakapagsinungaling dito. But he will assure her na nasa mabuti naman siyang company.

Pagbukas ng phone ay hindi nga siya nagkamali sa miscalls from his friends pati na rin ang dami ng message notifications sa kanilang group chat, pinili niyang lampasan iyon at i-message ang kanyang mommy.

To mom:

Lumipat na ko ng bahay. May bago na akong roommate.

He’s very nice.

I will tell you the details soon.

I love you.

 

Ilang sandali pa ay nakatanggap na sya agad ng reply mula dito kaya naman binuksan niya iyon agad.

To Donghyuck

Okay. I trust you anak.

I believe in your decision.

I will wait until then.

I love you.

Iyon lamang ay sapat na. Iniisip nya pa rin kung bubuksan nya ba ang message ng mga kaibigan pero muli niyang binaba ang kanyang cellphone.

Bukas na lang.

Ako muna ito, akin muna ito.

Pinikit nya ang mga mata habang iniisip ang masasayang ala-ala ngayong araw, siya, si Yangyang, si Xiaojun si Hendery ,ang kanyang money tree na may bagong pwesto sa balcony, ang kanyang mga paboritong eco bag na nasa bottom drawer sa kusina, ang kanyang mga damit na hindi na kailangang makipagsiksikan sa mga gamit ni Mark kasi may sarili na siyang cabinet, ang kanyang mga toiletries na hindi na kalatkalat dahil may sarili na siyang bathroom.

Animo maliit na bagay pero malaki ang impact.