Chapter Text
They want a seat at the table.
Malalim na ang gabi, pero buhay na buhay pa rin ang Riviera gawa ng malakas na tugtog, sigawan, at pagpapa-party ng mga taong nandoon ngayon. Isa itong prominenteng lounge at club, kilala bilang tambayan at gimikan ng mga nakaaangat sa buhay, pati na rin ang mga nagpapanggap na parte nito. Mahirap makapasok kasi invitation only access, pero as long as you know somebody, especially if you do somebody well enough, makakapasok ka talaga.
That’s how these three pretty babies got their way in.
Not as explicit as how others might prefer, wink wink, but their angelic smiles and beautiful faces did all the talking. These seniors know how to get what they want, and they won’t hesitate too.
“Wow, you guys are pretty powerful pala ‘no! Didn’t know you could grant us entry here, Jay!” ngiti ni Juno, while fluttering his eyelashes seductively sa nakababatang lalaki. Napa-ngisi naman ang binata at prenteng nagkibit ng balikat. “Easy as a pie, especially for you June,” landi nito pabalik.
Tipid na ngumiti si Juno, habang nagkatinginan naman si Wilde at Soleil sa likod, parehong nagpipigil ng halakhak.
June daw, putangina. Sagwa! sa isip isip ni Juno, pero tinuloy lang ang plano nila para makapasok sa exclusive club. “We’re really glad we saw you guys sa Oceanus kanina, if we hadn’t then we won’t be here right now,” matamis na dagdag ni Wilde. Kumapit naman si Soleil sa braso ng isa pang binatang kabilang sa grupo ni Jay, “Yeah! You guys are literally our saviors. Thank you boys, ha!” saad nito.
Masaya at flattered naman ang mga binatang dinala ang tatlong naggagandahang lalaki paloob ng Riviera at mayabang na ipinakita ang access card nila sa mga naglalakihang security personnel ng establisyimento, and the moment their feet entered the establishment, mabilis pa sa alas-siyete na tumakas ang tatlo. Wala ng nagawa ang kamot ulo na grupo ni Jay dahil agad ring nagsilapitan ang mga kakilala nila upang bumati.
Meanwhile, agaw atensyon ang tatlo, habang nagtatawanan at naglalakad patungo sa bar lounge.
Pinagtitinginan dahil sa angking kagandahan, parang mga model na may automatic na ring light sa mukha. It feels like it is a privilege just to be in the same vicinity as them. Ganun sila kaganda!
Juno Seraphina Yoon. His name fully justifies who he is. Maganda at mala-reyna, tila-anghel ang mukha sa sobrang amo. Matangkad, long legged, at mahusay mag-dala ng damit. Bagay na bagay rito ang suot niyang black skinny jeans, v-neck satin blouse na nabili niya sa ukay-ukay noong nag-Baclaran silang tatlo para mag-simba. At higit sa lahat, tuso. Matalino si Juno. Magaling mag-manipula ng mga tao sa paligid niya. His harmless face usually does the job for him already, pero his cunningness always takes him further. Likas na maldita rin ito at hindi pumapayag na hindi sa kanya ang huling salita. Taasan ka palang ng kilay nitong perfectly groomed, talaga nga namang kakabahan ka na. Juno may be many things, but one thing is certain about him, he is loyal to a fault. Ride or die ito, at handang makipag-sabunutan para sa dalawang matalik na kaibigan.
Wilde Ariadne Jeon. Sharp eyes and even sharper cheekbones. Kung kay Juno ay mapapalingon ka, si Wilde naman ang tipo ng mukha na tititigan mo ng matagal. Captivating kumbaga. As one of his classmates best described it: “Para siyang si Mama Mary” and totoo naman. Maganda ang mukha nito, malinis at palaging neat tignan, yung tipong mukhang laging bagong plantsa yung damit at amoy baby powder, kahit hindi naman. Katulad ngayon, his white polo and black slacks na hiniram niya lang sa pinsan ay mukhang fitted and altered especially for him. Contrary to his name though, tahimik lang si Wilde. More observant than his other two friends, more patient, pero despite his saintly looks, Wilde is more severe than Juno and Soleil. Grabe mag-patawad, grabe mag-mahal, at grabe rin magalit. And once you made a mistake of crossing his line, especially when it comes to his two besties, lintik lang ang walang ganti.
Soleil Astoria Boo. As beautiful as the sun, and as untouchable too. His smile is enticing, enough to make strangers smile back without realizing it. Hindi rin ito nagpapahuli pagdating sa pananamit, hindi man kasing tangkad nung dalawa, ngunit he knows how to style for his frame. Stunner siya ngayong gabi sa kanyang shimmery champagne top (na ukay naman nila sa Cubao) at high-waisted statement trousers that showed off his teeny tiny waist. Additionally, he can make friends with anybody, mula sa tindera ng fishball sa tapat ng dorm nila, pati na rin sa masungit na dean ng kanilang unibersidad. Madaldal, makulit, at walang preno ang bibig. Among the three, Soleil may look the most vulnerable kasi siya yung pinaka expressive but that ain’t true at all. Soleil is the backbone of their group. Matigas ang ulo at matapang ang loob nito, and the moment his Wilde and his Juno shows weakness, sasaluhin sila ni Soleil. Walang pag-aalinlangan. Bibitbitin nito ang anumang dala nila, hanggang sa kaya na nila muli.
Their friendship is not one built from sunshine and magic, it was forged through desperation and loneliness and poverty. Three individuals who found their way to each others hearts under the eaves of Dorm Room #17 sa pangangalaga ni Ate Tessie, ang dorm manager nila.
Juno is the wit, Wilde is the spear, and Soleil is the backbone. At kapag nabali ang gulugod, buong katawan ang babagsak. Kaya walang sinuman sa kanilang tatlo ang hahayaan ang isa na lumaban na walang kasama. Marahil, ito rin ang dahilan kung bakit handa silang masugatan, basta ba’t makakauwi silang tatlo na buo. They want the world underneath their pretty toes, and that’s why we are here right now. Sa Riviera, kung saan magsisimula ang panibagong buhay ng tatlo. A better life and future for them.
At the very least, that was their plan.
So eto silang tatlo ngayon, naka-upo na sa seated area malapit sa bar top. Sa gilid na nga sila banda pumwesto, yung hindi masyado naabot ng moving-head beam lights na nakakabit sa ceiling, pero agaw-atensyon talaga ang mga mukha nila kaya ayun, pinagtitinginan pa rin.
“Everything went according to plan,” usal ni Wilde. “So what’s next?”
Sabay nilang inikot ang mata sa paligid, may hinahanap.
“Have you seen them?” tanong ni Juno, habang dinedekwatro ang legs nito.
Soleil shook his head, and Wilde did the same.
“Well, let’s get some drinks first then.” pinal na sagot ni Juno. Agad itong tumayo at tumungo sa counter, na sinundan naman ng dalawang kaibigan. Pagkalapit na pagkalapit pa lang nila upang mag-sabi ng oorderin ay may iniabot na agad sa kanilang tatlong baso ng margarita, “Courtesy of Riviera for you three,” abot ng bartender. Gulat man ay tinanggap naman ng tatlo ang libreng inumin at nag-sabi ng pasasalamat.
“From whom in the Riviera specifically?” tanong ni Wilde, kalmadong iniinom ang alak pero matiim ang tingin sa bartender, pero the guy merely smiled. “House policy, sir. The sender wished to remain anonymous.”
Nagkatinginan ang tatlo. Juno rolled his eyes, “Tsk,” mahinang sambit nito. “Ano ba yan? Ang hirap kiligin kapag walang pangalan.” Natawa naman si Soleil habang umiiling si Wilde, “Hindi ka kinikilig.” dagdag nito.
“True. Persecuted ako.” Juno dramatically answered. “A victim of my own face card!”
Napahagikhik naman si Soleil bago iangat ang sariling baso, “Face cards! For us three daw oh, not only you! Anyway, who cares! Thank you anonymous sponsor, sana pasado ka sa finals.” tawa nito.
Nagkampay sila ng mga baso bago sabay-sabay uminom. In fairness, masarap. Too good for a free liquor. Picturesque sana ang moment, kaso wala munang instagram post for now, tsaka na. Kapag mission accomplished na silang tatlo.
“Libre na nga, premium pa,” komento ni Soleil matapos dumila sa asin na naiwan sa corner ng labi niya.
“Baka gusto kang iuwi,” banat ni Juno sabay ngisi. “Teka, bakit ako?!” asik naman nito pabalik, nanlalaki ang matang sagot ni Soleil.
“I mean..” sinulyapan ni Juno si Soleil mula ulo hanggang paa. “Look at you.”
“Ako? Eh ikaw nga mukhang sasama kahit walang libre!” hagalpak ng tawa ni Soleil.
“They wish! At kung may mag-uuwi sa akin, kasama ko kayong dalawa! Lahat aangat sa laylayan!” deklara ni Juno na ikinatawa naman ng dalawa. Napailing nalang si Wilde. Business as usual.
If there is something that won’t ever go missing to these three, it’s the ability to make light of the situation. A coping mechanism to forget any bad memories. A short interlude before the show officially starts.
Hindi sila nagpunta sa Riviera para makipaglandian lang. Hindi rin simply for clubbing. Edi sana sa Oceanus or Alley nalang sila, nandoon pa mga batchmates nila. No need to use their juniors as well para makapasok dito sa lugar na ito. Tonight is different though.
Tonight they have an agenda, and they are on a prowl.
Then, finally.
“Three o’clock.” mahinang usal ni Wilde, sapat lang para silang tatlo lang ang makarinig. Kasabay ng mga salitang iyon ay bahagyang gumalaw ang mga mata ni Juno at Soleil. Not their heads. Mata lang. Like predators eyeing a hunt.
Tatlong lalaking kapapasok pa lamang sa entrada ng Riviera, umagaw agad ang mga ito ng atensyon ng halos lahat ng guests na nasa loob. Hindi dahil maingay. Hindi rin dahil may mga bodyguards na nakapaligid sa mga ito. Kundi dahil sa presensyang dala nila. Charismatic.
Parang automatic na nahati ang dagat ng mga nagsasayawan at nagiinuman para bigyang-daan ang mga ito.
Nauna ang lalaking nakasuot ng all-black suit. Matangkad. Broad-shouldered. Moreno. Walang emosyon sa mukha ngunit sapat ang isang tingin para maintidihan mong hindi siya sanay tumagganap ng salitang hindi.
Kasunod niya ang isang lalaking mas casual ang attire, pero malakas pa rin ang dating. Matangkad rin ito, tila may halong banyaga. Ngumingiti habang bumabati sa mga taong gusto siyang lapitan ngunit hindi magawa dahil sa security nila, at tila wala itong kamalay-malay sa dami ng tingin na nakasunod sa bawat kilos niya.
At lastly..
Isang lalaking nakasuot ng simpleng puting polo na nakatiklop ang manggas hanggang siko. Understated ang attire, pero alam mong mamahalin. Unang tingin mo palang, maiisip mo agad ang salitang ‘Alpha’.
Para silang buwan sa gitna ng maingay na siyudad. Hindi kailangang gumawa ng kahit ano para mapansin.
Tahimik na inilapag ni Wilde ang kanyang baso.
“There.”
He smirked.
“Found them.”
These three are about to infiltrate a world they were never meant to enter.
